Because I Really Do.

Your awesome Tagline

0 notes

Sumulat ulit ako sa USTHeart2Heart..

at ito ang sinabi ko:
"Desidido na talaga ako nung mga panahong sumulat ako sa Heart to Heart. Pero sadyang may mga pangyayari na di inaasahan na pipigil sa mga plano ko. Gaya ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakita ko si Tin na may kasama at di ko maiwasan na di magselos. Hindi siya akin pero ang sakit sakit lang talaga. Parang nagkaroon ng butas ang dibdib ko at di ako makahinga. Kaya sa halip na ituloy ko ang mga plano ko noong araw na iyon, nagkulong ako sa kwarto at nagmuni muni kung itutuloy ko nga ba ang plano ko o hindi na. Pero napag isip isip ko, hindi ko magpapatalo sa selos. Mas matimbang ang paghanga ko sa kanya at desidido na kong magpakilala.
Abangan nyo ang tunay kong pagbabalik..”


Totoo na ito. Ito na talaga ang panahon. Ito na ang dapat kong gawin. Kaya sasabihin ko na…

BUKAS NA. BUKAS NA AKO MAGPAPAKILALA. WALA NANG ATRASAN ITO. KAYA PARA SA MGA NAGAGALIT DAHIL SA KA-TORPEHAN KO. PARA SA MGA SUMUSUPORTA NA GAWIN KO ITO.. NARITO NA ANG PANAHON. BUO NA ANG DESISYON KO…

BUKAS NA… 

Filed under one4tincipriano Tin Cipriano ust ab ustheart2heart eradio tigeradio

0 notes

10 Things I Like About Tin: #1- YOU

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sa lahat ng sinulat ko para sa iyo, ito na siguro ang pinakamaikli pero pinaka direct to the point.
Sa lahat ng binanggit kong gusto ko sayo, ang pinakagusto ko pa rin ay syempre, ikaw. Lahat ng tungkol sayo. Lahat ay positibo para sayo. Kung makikilala kita, sigurado akong tapat din ang puso at kalooban mo. 
Wala pa ring tatalo sa iyo, Ms. AB ng buhay ko.
Ito na… Ito na talaga…

Filed under one4tincipriano Tin Cipriano ust ab you

0 notes

10 Things I Like About Tin: #2- Her Aura

Sa tuwing malapit ka sa akin, sumasaya ako. Pag nakikita kita, kahit malayo, napapangiti ako. Para kang may kakaibang glow na nagra-radiate at hindi ko mapigilang maakit. Nakakahawa ang aura mo. Palagay ko, napapasaya mo lagi ang mga kaibigan mo kapag malungkot sila ng dahil lang sa presensya mo. Dahil ako, napapasaya ng aura mo. Presensya mo pa lang panalo na. Paano pa kaya kung totoong magkalapit na tayo?

Dalawang araw. Malapit na. Eto na talaga.

0 notes

10 Things I Like About Tin: #3- Her Frown

Hindi sa lahat ng oras masaya ang tao. Hindi naman tayo robot para maging palaging masaya. Paminsan minsan, malungkot tayo, magagalit, maiinis. Sa bawat pagpapalit ng ating emosyon at ekspresyon, nagbabago ang itsura ng ating mukha. Gumaganda tayo pag ngumingiti at sumasaya. Pumapangit naman tayo pag sumisimangot tayo. Natural lang naman yun. Pero sa lahat ng nakita kong sumimangot, ikaw ang pinakamaganda. Bawat pagkunot ng noo, bawat pagngiwi ng iyong labi, gustong gusto ko. Sigura nung nagbuhos ang Diyos ng kagandahan, ikaw lang ang tanging gising na sumalo ng lahat.

Tatlong araw. Tatlong araw na lang. Malakas na ang loob ko at kaya ko nang magpakilala.

0 notes

shesnoone-deactivated20111018 asked: Oh no, CA ka din? And I remember first year ka din? Oh no don't tell me classmate kita! I'm from 1CA4! :D This week na ba mangyayari ang major reveal mo? hehehe kaka-curious! Bro when that day arouse, no matter what, accept the consequences. Things always happens for a reason! God bless uli I don't believe in luck!

Maraming salamat! i prefer to be anonymous until that day comes. salamat at may mga taong katulad mo na sumusuporta. I am ready to accept the consequences. I am. XD God bless din po! hehe..

0 notes

10 Things I Like About Tin: #4- Her Laugh

Sa lahat ng tawa na narinig ko, yung iyo ang pinaka-paborito ko. Parang tawa ng bata na alam mong punong puno ng kainosentehan at kasiyahan. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at kiligin kapag tumatawa ka. Paulit-ulit na nagpplay sa utak ko ang iyong pagtawa. Sana sa susunod mong pagtawa, kasama mo na ako. Sabay tayong humalakhak kahit na wala naman dahilan.

0 notes

shesnoone-deactivated20111018 asked: What's you course? Go lang! Kaya mo yan! Kung mahal mo ipaglaban mo! God bless! Grabe nakakahanga ka! :DDDDDDDDD

Communication Arts po. Salamat po sa advice! Mas lalakasan ko pa ang loob ko XD Nakaka-boost ng self-confidence yung sinabi mo po. Salamat po talaga!

0 notes

10 Things I Like About Tin: #5- The Way She Dresses

Dumadagdag sa kagandahan mo ang galing mo sa pananamit. Para kang manikin sa mall na nagdadala ng ganda sa damit. Talo mo pa ang mga supermodel na nagpo-pose sa mga magazine. Kung pwede lang kitang pagawan ng billboard, ginawa ko na. 

Para sa akin, ikaw ang pinakamagandang manikin. Kayang kaya mong dalhin ang kahit anong klaseng damit. Lahat bagay sayo. Ikaw ang supermodel ng buhay ko.

Filed under one4tincipriano Tin Cipriano supermodel fashion ust

1 note

HAPPY BIRTHDAY, TIN!! <3

Masayang masaya ako para sayo! Sana nag-enjoy ka sa araw na ito, dahil special ito para sayo. Binati kita sa pamamagitan ng Facebook, pero hindi ako ang pinakaunang nakabati sayo. :( Di bale, basta maiparating ko sayo ang pagbati ko, masaya na ako. Nalulungkot ako at hindi kita nakita ngayong araw na ito. Sana man lang ay nasilayan kita sa iyong kaarawan. Wala rin akong inihandang regalo para sa iyo. Dahil mayroon akong mas malaking pinaghahandaan na alam kong tunay mong mararamdaman kung gaano ka kahalaga para sa akin. 

MALIGAYANG KAARAWAN ULIT, TIN! Sana’y mas marami pang blessings ang matanggap mo.

-Ang naghahangad na maging Mr. AB ng buhay mo

Filed under one4tincipriano Tin Cipriano ust ab birthday